WebClick Tracer

METRO

Ilang barangay sa Paranaque, Pasay walang tubig

Inanunsyo ng Maynilad Water Services Incorporated na pitong barangay sa Paranaque City at anim sa Pasay City ang makararanas ng water service interruption mula kahapon [Enero 24], hanggang Enero 25.

Sa Facebook page nito, inihayag ng Paranaque Public Information Office (PIO) na ang mga barangay na maaapektuhan simula alas-dos ng hapon sa Enero 24 hanggang ala-una ng madaling araw ng Enero 25 ay ang mga Barangay Don Bosco, Marcelo Green, Merville, Moonwalk, San Antonio at San Isidro.

Sinasabi nito na ang mga residente sa Barangay Sun Valley ay makararanas din ng water service interruption.

Sa Pasay City, ang mga barangay namang maaapektuhan ay ang Barangay 181 hanggang 185 at 201.

Inihayag ng Maynilad na ipatutupad ang water service interruption dahil sa emergency facility repair sa Putatan Water Treatment Plant sa Muntinlupa City. (Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on