Parehong may ginagawang pelikulang pampulitikal ang mag-amang Isko Moreno at JD Domagoso.
Ang kay Joaquin ay ang “Ako si Ninoy”, isang musical na idinirehe ng kontrobersyal at multi-awarded writer-director, FAMAS at Palanca awardee na si Vince Tanada. Gumagawa rin si Isko ng Ninoy movie.
Pero ayon kay JD, handa na raw siya sa magiging tapatan nila ni Isko kung sakali.
“Handang-handa na po ako because I love what I’ve done here. Whatever Papa has done, we never really talk about it together. Di namin napag-uusapan kahit kita ko siya everyday at nagtatrabaho kami in the same office. We’ve never talked about it because of the respect na ibinibigay namin sa isa’t-isa, na we’re both actors in the industry na may projects that might be fighting with each other,”aniya.
Hirit pa niya ang movie raw niya ay hindi ginawa para makipagpaligsahan sa ama.
“Pero pasa akin, this is not about a fight. This movie is not about the fight dahil ginagawa namin iyong movie para ipakita ang katotohanan tungkol kay Ninoy and that is, what it is, “paliwanag niya.
Dagdag pa niya, hindi rin raw sila nagtatalo tungkol sa kanilang political views ng dating Manila City mayor.
“Hindi kami nagtatalo ni Papa. I always listen to my Dad. I would never fight my Dad. Nakakatakot iyon because I love and respect my Dad so much. Kahit noong pasaway pa ako noong bata ako and I’ve learned from that. I’ve grown up to be better, more masunurin, more loving, caring at tatay na rin. So, I would not do anything like that,” pahayag niya.
Sa ” Ako si Ninoy” ginagampanan ni JD ang mahalagang papel ni Yosef.
Tampok si JK Labajo bilang Ninoy Aquino, kasama rin sa cast ng pelikula sina Cassy Legaspi, Sarah Holmes, Marlo Mortel, Nicole Laurel, JM Yosures, Johnrey Rivas, Adele Ibarrientos, Vean Olmedo, Jomar Tanada, Luke Quitante, Bodjie Pascua, Lovely Rivero, Chris Lim, Sarah Javier, Jim Paredes, Pinky Amador at marami pang iba.
Iprinudyus ng Philstagers Films, ang pelikula ay ipalalabas sa first quarter ng 2023. (Archie Liao)