WebClick Tracer

SPORTS

Jonathon ‘The Juice’ Simmons rarampa vs Blackwater Bossing

Sa batch ng mga bagong import sa 2023 Philippine Basketball Association Governors Cup ngayong Season 47, pinakamaangas ang resume ni Jonathon Simmons ng NLEX.

Ex-National Basketball Association player na naglaro ng apat na taon sa Spurs, Magic at 76ers. Championship Game MVP siya para sa San Antonio sa 2015 Summer League, sumabak din sa China para sa Liaoning Flying Leopards.

Masusubukan ang arangkada ng dating binansagang ‘The Juice’ laban sa bagong balasa ding Blackwater sa first game mamayang alas-3:00 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nawala sa Road Warriors sina Justine Chua at Paul Varilla, nakuha mula Phoenix sina veterans Sean Anthony at Jake Pascual. Bagong mukha rin sina Hesed Gabo at Clint Doliguez.

Nasa injured list sina veterans Asi Taulava at JR Quinahan, team manager na si Larry Fonacier.

Bago sa Blackwater sina Mike Digregorio, Tyrus Hill at RK Ilagan mula Converge para kay Barkley Ebona. Tulad ni Digregorio, balik sa team si Paul Zamar mula SMB.

Binitawan ng Bossing sina justin Melton, Jollo Go, Trevis Jackson, binalik si Shawn Gloveer bilang import.

Sa anim na laro noong nakaraang taon sa parehong torneo, dalawang beses umiskor ng 49 si Glover. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on