WebClick Tracer

NEWS

Krisis sa tubig nakaamba – MWSS

Shortage ng tubig naman ang kailangang paghandaan ng mga tao na nasa concession area ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Ayon kay MWSS Regulatory Office Officer-in-Charge Lee Robert M. Britanico lumalaki ang demand sa tubig dahil dumarami ang mga tao at malamang na mararamdaman ang shortage sa susunod na taon.

“We have a supply deficit for the whole concession area. Talagang maraming tao,” sabi ni Britanico kahapon.

Aniya, ginagawa na ng MWSS-RO ang lahat para masigurong may sapat na suplay ng tubig sa darating na tag-init ngunit magiging hamon ito.

“The corporate office is coordinating with Maynilad and Manila Water…for summer,” sabi ni Britanico. “It will definitely be a challenge. Our target is still to provide 24-hour water to customers but we are preparing for the worst.”

Ayon sa MWSS-RO, may mga plano para matugunan ang problema at nakalagay na rin ito sa mga business plan ng concessionaires, kasama na ang mga hakbang na kanilang gagawin para matugunan ito.

Sabi ni Britanico, sisiguruhin ng MWSS-RO na susundin ng mga concessionaires ang mga plano.

“If we don’t get a new water resource or an increase in supply this year, baka magkaroon tayo ng problema. Kung population lang, most likely magkakaroon na next year ng problema,” sabi ni Britanico.

Sa ngayon, hinihikayat ng MWSS-RO ang lahat na magtipid sa tubig at sulitin ang paggamit nito.

Paalala niya, walang sariling suplay ng tubig ang Metro Manila kaya’t para­ting naghahanap ng suplay ng tubig ang MWSS.

Ngayong dumarami ang mga tao at lumalaki ang demand para dito dahil marami nang back to work, at pati ang mga dating umuwi sa probinsya ay bumalik na sa Metro manila, lumaki ang demand sa tubig. (Eileen Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on