WebClick Tracer

SPORTS

Lois Kaye Go umakyat sa pro, sasabak sa Thai LPGA Tour

Makaraan ang mahabang taong paninilbihan sa national team, pinasya ni Lois Kaye Go na umakyat na sa pro, sasabak kasama ang limang Pinay pro sa Thailand Ladies Professional Golf Association Tour Qualifying School simula ngayong Miyerkoles sa Watermill Golf Club and Resort sa Nakhon Nayok Province, Thailand.

Produkto ang Pinay mula sa Cebu ng University of South Carolina, na ang ilang malalaking tagumpay sa Philippine squad ay ang mga medalyang ginto sa 2018 Jakarta Asian Games at 2019 PH Southeast Asian Games.

Hahambalos si Go simula sa alas-12:00 ng tanghali umpisa sa back nine sa maigisi pero mapaghamong 6,393-yard layout para sa 54-hole eliminations na ang Top 60 sa 144 starters ang mga aabante sa finals.

Papalo rin sina Marvi Monsalve, Lizbeth Alcanatara, Chanelle Avaricio, Gretchen Villacencio at Harmie Nicole Contantino. (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on