WebClick Tracer

NEWS

LTFRB kumita ng 7M sa mga kolorum na sasakyan

Umabot sa mahigit P7 milyon ang kinita ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) mula sa nahuhuling mga kolorum na passenger utility vehicles (PUVs).

Ayon kay LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III, ang nasabing halaga ay kinita nila mula Set­yembre hanggang Disyembre noong nakaraang taon, matapos na maharang ang 37 kolorum na sasakyan na bumibiyahe sa National Capital Region (NCR) at ang mga nasa ilalim ng Metro Manila Urban Transportation Integration Study Update and Capacity Enhancement Program (MUCEP) areas.

Kabilang sa mga sasakyang nahuli ay ang mga premium taxi, private motor vehicles (MVs), regular taxi, tourist transport service (TTS) o UV Express.

Inatasan din ni Guadiz ang lahat ng regional director na paigtingin ang kampanya laban sa mga kolorum na sasakyan sa kani-kanilang lugar, at tiyaking magiging marangal at presentable ang kanilang mga enforcer.

Naglabas na rin umano siya ng memorandum para matiyak na mabibigyan ng uniporme ang mga LTFRB law enforcers sa mga rehiyon. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on