WebClick Tracer

NEWS

Marcos: Mga trader tiba-tiba sa itlog

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga opisyal ng Department of Agriculture na alamin ang dahilan sa mataas na presyo ng itlog sa kabila ng sapat na supply nito sa mga pamilihan.

Ang direktiba ay ibinigay ng Pangulo kay Undersecretary Domingo Panganiban sa ipinatawag na pulong sa Malacañang nitong Martes.

Sinabi ng Pangulo kay Panga­niban na kailangang kausapin nito ang mga egg producer at traders at alamin kung ano ang dahilan sa pagtaas ng presyo ng itlog na umaabot na ngayon sa P7 hanggang P10 bawat piraso.

Nais malaman ng Pangulo kung bakit tumaas ang presyo ng itlog nitong mga nakalipas na araw dahil wala namang nakikitang problema sa production cost ng mga poultry farm.

Malinaw aniya na mga trader ang nakikinabang at kumikita dahil mababa ang farmgate prices ng itlog sa bansa.

“We determined that the increase in the price of eggs is not commensurate to the increase in production cost so we will have to have a look to see how to control that because we cannot explain almost one-half of the profit margin that we are seeing. We cannot attribute it to cost,” anang Pangulo.

Batay sa monitoring ng DA, ang dating P6.90 na presyo ng meduim size na itlog ay naging P9 sa halip na dapat ay nasa P7 o P7.50 lamang. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on