As previously announced, si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera nga ang kauna-unahang sumalang as guest sa much-awaited comeback show ni Boy Abunda sa GMA-7, ang “Fast Talk With Boy Abunda.”
Ang saya ng show at sa totoo lang, kulang na kulang ang 20 minutes na duration ng programa. Sa tsikahan segment pa lang ay mabibitin ka na lalo pa nga kung katulad ni Marian na mahusay ring sumagot ang guest.
Sa tsikahan segment, kinumpirma ni Marian na magbabalik na siya sa teleserye ngayong 2023 at hindi next year.
“Talagang hinahanap ko na rin talaga kaya abangan niyo po ang pagbabalik ko ngayong 2023, nag-promote? Nag-promote na.”
“So hindi 2024 ito, ngayong 2023?” tanong ni kuya Boy.
“Itong year na ito. Totoo na po ito,” pagkumpirma ulit ni Marian.
Sa usapin naman ng marriage life nina Marian and husband, Dingdong Dantes, diretsong tinanong ni Kuya Boy kung sino ang unang nangangalabit sa kanila sa panahon ng pangangailangan.
Pilyang napangiti si Marian at sey niya, “parang parehas kami” sabay-tawa.
Tanong ni Kuya Boy, “sino ang mas madalas?”
Mabilis na sagot ni Marian, “siya! Siya talaga.”
Tawanan.
Dagdag pa ng aktres, napaka-sweet daw talaga ni Dong at sobrang lovable, at higit sa lahat, lagi raw siyang pinapatawa.
“Alam niya kung paano ako paligayahin, literal,” sey ni Marian.