WebClick Tracer

METRO

NBI sinaluduhan vs bank scam syndicate

Nanawagan ang isang consumer group sa National Bureau of Investigation (NBI) na panatilihin ang ginagawang pagbabantay sa mga bank fraud syndicates.

Ayon kay Action for Consumerism and Transparency in Nation Building (Action) Secretary General Jake Silo, natapos umano ang holiday season na walang insidente ng bank fraud na nangyari sa mga bangko at sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon kay Silo, nagkaroon umano sila nang kapayapaan matapos tugunin ng NBI ang kanilang panawagan na maging vigilant noong Christmas season dahil sa ganoong panahon ay aktibo ang sindikato at alam nilang maraming Overseas Filipino Workers ang nagpapadala ng remittance at may bonus rin na natanggap ang mga empleyado.

“The NBI deserves attention not only when crime breaks out, but also when the very real possibility of widespread bank fraud during the Christmas season was prevented. We are aware that the NBI has been working with the BSP and all the major banks to ensure that all measures are taken to stop financial hackers from attacking, especially during the holiday,” ayon kay Silo.

Sanhi nang walang naiulat na insidente, sinabi ni Silo na karapat dapat lamang na bigyan ng komendasyon ang NBI.

“What we are dealing with are criminals with international connections. Experience tells us that they can be very creative in looking for loopholes that they could take advantage of. Banks and law enforcers need to be on guard so they could thwart any opportunity for fraud,” ayon pa kay Silo.

Samantala, hiniling rin ng Action sa NBI na imbestigahan ang malawakang “glitch” na naiulat na nagsimula ngayong 2023 na nangyari sa mga depositors ng nangungunang banko na nagresulta sa mga maling bank statements at naging sanhi para hindi makipagtransaksiyon ang mga kliyente.

“Glitches should never be shrugged off anymore as unrelated incidents. These are red flags which necessitates a deeper investigation, not just by the bank, but by the BSP, and the NBI. The widespread glitch reported a few days ago by the clients of this bank should be taken seriously as this may be an attempt by syndicates to hack into the accounts of depositors,” dagdag ni Silo. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on