WebClick Tracer

LIFESTYLE

Pampainit ng sikmura

Hirap ka pa rin bang bumangon sa umaga dahil sa ‘bed weather’? Pero no choice ka dahil maaga ang pasok sa eskuwela at opisina.

Bukod sa yakap – ang isa pang puwedeng panlaban sa pamamaluktot dulot ng malamig na panahon, mainit na tubig.

Ayon sa ilang eksperto, mainam na uminom ng ‘warm water’ pagkagising sa umaga para mainitan ang sikmura at gumaan ang pakiramdam. Mabisang panlaban din daw ito para hindi ginawin.

Ngayong nananatiling maginaw lalo na sa madaling araw, masarap humigop ng mainit na sabaw para kahit papaano’y maibsan ang nararamdamang lamig.

Maraming home-made soup na kayang-kaya i-prepare.

Una sa listahan ko ang BULALO. Masustansiya ang bulalo dahil mataas ang nutritional level ng mga sangkap nito. Ang bulalo soup ay ginagamitan ng karne at bone marrow ng baka. Sabi ng ilang eksperto, ‘red meat is one of the most nutritious foods that you can eat.’ Pero siyempre – lahat ng sobra, masama. Hinay-hinay rin sa pagkain lalo na kung may hypertension at gout.

Hindi rin mawawala sa listahan ang LUGAW. Mabisa itong alternatibo sa pagkain ng kanin. Malagkit na bigas kasi ang primary ingredient nito na mabigat sa tiyan. Puwede ring haluan ng nilagang itlog. Patok din ang lugaw goto na laman-loob ng baka at baboy ang rekado. Sa iba naman, manok ang inihahalo sa lugaw.

Isa sa pinakamabilis ding ihanda ngayong taglamig ang MAMI. Kailangan lang magpakulo ng noodles at lagyan ng pampalasa, aprub na. Chicken strips o beef chunks ang puwedeng ihalo. Ang iba naman, dimsum gaya ng siomai at sharksfin ang isinasahog. Nilalagyan pa ng green leafy vegetables gaya ng pechay baguio at celery para mas masustansiya.

Walang pinipiling panahon ang SOPAS na all-time favorite at comfort food din ng mga Pinoy. Masustansiya ito dahil iba’t ibang uri ng gulay ang puwede mong ihalo rito gaya ng carrot, patatas, celery at red bell pepper. Maaari itong ihain sa mga taong masama ang pakiramdam dahil sa ubo’t sipon.

Sa totoo lang, wala ng mas hihigit pa sa mga comfort food na ‘yan kung sama-sama kayong hihigop ng mainit na sabaw ng mga mahal mo sa buhay ngayong malamig ang temperatura.

Siyempre, huwag ding kalimutang iayon ang suot na damit sa lagay ng panahon.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on