WebClick Tracer

OPINION

Panibagong pahirap sa mga Pilipino

Walang tigil ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa bansa kaya naman lahat na ng mga Pilipino ay umaaray dito.

Mula sa mataas na presyo ng asukal, sibuyas, itlog, hygiene products at iba pang serbisyo.

Ngayon naman ay hindi pa ata nakuntento ang gobyerno at itinaas pa ang interest cap sa mga credit cards.

Pinayagan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtataas sa 3 percent sa interest cap kada buwan o katumbas ng 36 percent kada taon.

Mabigat ang epekto nito lalo na sa mga gumagamit ng credit card sa bansa.

Ang isa sa maapektuhan dito ay ang mga middle income earner o pangkaraniwang empleyado na kadalasan ay umaasa sa credit card .

Naging ugali na ng ating mga manggawa na gumamit ng credit card sa kanilang pag grocery at iba pang pangangailangan sa tahanan.

Kung ang isang credit card holder ay may naipon na malaking utang ay kailangang bayaran nito ng buo or kung hindi ay mapapatawan siya ng 3 percent kada buwan o 36 percent kada taon .

Inaasahan na marami sa ating kababayan ang mababaon sa utang sa credit card dahil sa ginawang ito ng BSP na dagdag pahirap sa mamamayan.

Parang ang binigyan ng proteksiyon dito ng BSP ay ang mga bangko o negosyante kumpara sa taumbayan na matagal ng dumadanas ng kahirapan lalo na sa mataas na bilihin sa bansa.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on