WebClick Tracer

NEWS

PBBM, cong nagkasundo sa Maharlika fund

Naging magkakampi sina Pangulong Bongbong Marcos at independent Minority Rep. Edcel Lagman sa usapin ng proposed Maharlika Investment Fund (MIF).

Ito’y matapos sang-ayunan ng Pangulo ang posisyon ng kongresista na hindi maaaring gamitin ang Government Owned and Controlled Corporations (GOCC) dividends para sa MIF.

“I am happy and thankful that President Ferdinand Marcos, Jr. agrees with my position that the GOCC dividend should not be utilized as seed money for funding the Maharlika Investment Fund (MIF) because these dividends are traditionally and legally used as additional revenues to finance the GAA, more particularly basic socio-economic services on health, education, food security, employment generation, and infrastructure development,” ayon kay Lagman.

Paliwanag pa ni Lagman na ang GOCC dividends ay inilalaan bilang dagdag na budgetary support ng gobyerno kaya’t hindi ito maaa­ring gamiting pang-invest na siya ring posisyon na ipinahayag ng Pangulo.

Una nang inaamin ni Albay Rep. Joey Salceda na may pagbabago sa inaprubahang MIF bill partikular ang pagkukunan ng pondo na kung saan inalis na umano ang BSP at DBP bilang pagkukunan ng pondo sa halip ipinalit ang GOCC dividends. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on