WebClick Tracer

METRO

Premyadong barangay chairman nirapido

DEDO ang isang multi-awarded barangay chairman matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman sa bayan ng Piat, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni Piat Police Station (PPS) ang biktima na si Richard Biraquit, barangay chairman ng Barangay Sto. Domingo, ng nasabing bayan.

Sa report ng PPS, galing umano ang biktima sa kanilang bukid kasama ang kanyang misis na si Jocelyn Biraquit, sakay ng Toyota Fortuner na may plakang BAB-9112 at pauwi na nang pagbabarilin ng di nakikilalang suspek sa may Sitio Malasat, ng Barangay Sto. Domingo.

Nagtamo ng mga bala ang kapitan habang masuwerteng hindi tinamaan ang kanyang maybahay.

Agad na dinala si Richard sa Nuestra Señora De Piat District Hospital ngunit siya ay dead-on-arrival na.

Ayon sa PPS, narekober ang limang limang basyo ng bala ng .45 pistol sa crime scene.

Si Richard ay tinanghal noong 2016-2017 sa National Gawad Saka Award ng Kagawaran ng Agrikultura bilang Outstanding Sugarcane Farmer at tinanghal din bilang Gold Medal Awardee sa Dangal ng Lahing Cagayano ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan noong taong 2019.

Patuloy pa ang follow-up investigation ng pulisya. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on