WebClick Tracer

METRO

Vault, mga baril ng security agency nilimas

INAALAM pa ng pulisya ang kabuuang halaga ng tinangay na cash, mga armas at gamit ng hinihinalang Akyat-bahay matapos looban ang dalawang tanggapan sa Dasmarinas City, Cavite Lunes ng hapon.

Ang dalawang tanggapan ay ang Hefty Security Agency at Dream Sky Stainless Product Trading na nasa LJK Commercial Building Aguinaldo Hi-way Sitio Malinta, Brgy Sampaloc 2, Dasmarinas City.

Sa salaysay ni Ireneo Aspiras, Officer-in-charge ng Hefty Security Agency, ala-una kamakalawa nang dumating siya sa kanilang tanggapan at mapansing bukas ang pintuan sa kanilang conference room gayundin ang vault na lagayan ng cash at mga baril.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinira ng mga kawatan ang sliding glass window sa may kusina ng tanggapan at dumiretso sa conference room kung saan tinangay ang isang Shotgun, 2 kalibre 38, Spl Rock Island, at hindi pa nabatid na cash.

Lumalabas din na bago pinasok ang nasabing Security Office ay nilooban din ang katabing tanggapan na Dream Sky at tinangay ang ilan nilang produkto. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on