Desidido na si Vice Ganda na magkaroon ng sariling anak via surrogacy. Kung dati ay nagdadalawang-isip pa siya tungkol dito, ngayon daw ay ready na siya.
“Dati talaga no-no kahit nga ‘di biological kahit biological, no-no talaga ako. Ayoko kasing i-subject ‘yung magiging anak ko sa social injustices, sa discrimination,” pahayag ni Vice sa panayam sa kanya ni dating Manila Mayor Isko Moreno sa bagong vlog nito.
“Surprisingly, gusto ko nang magka-anak,” deklara niya.
Of course, malaking factor ang dyowa niyang si Ion Perez kung bakit nagbago ang kanyang desisyon.
“I met Ion at na-build ‘tong relationship namin and I found it really so beautiful; na sabi ko na kayang-kaya naming magka-baby,” aniya.
Ayon pa sa TV host/comedian, pinag-aralan na raw niya ang proseso ng surrogacy tulad ng ginawa ng perfume magnate na si Joel Cruz na ngayon ay may 8 anak na.
In fact, binalak na raw nilang kumonsulta tungkol sa surrogacy last year sa Amerika. Baka raw abutin sa mahigit P5 million hanggang P9 million ang gagastusin sa nasabing proseso.
“I didn’t have the luxury of time to pursue kasi ang dami kong ginagawa,” aniya.
Ngayon ay nai-imagine na nga raw niya na may mga batang naglalaro sa kanilang bahay.
“Parang ngayon may ibang magic ngayon ang mga bata kapag nakakakita ako ng baby, sa loob,” sey ni Vice.
Kung papiliin, mas gusto raw niyang magkaroon ng baby girl.
“Gusto kong gawin sa kanila ‘yung hindi ko na-experience, ipapa-experience ko sa kanila. We will experience that together,” sambit niya.
“Ay gusto ko nang magka-baby. Wala na ‘kong pakialam sa sasabihin nila. Ang mahalaga na lang ay ibi-build ko ‘yung personality ng magiging anak ko; ‘yung character niya,” sabi pa ni Vice. (Vinia Vivar)