Excited at aligaga si Xian Lim sa premiere night ng pelikulang ‘Hello Universe’na kanyang idinirek.
Ito ay kahit nakapagdirehe na siya na Cinemalaya movie na “Tabon” noong 2019.
Aniya, kinonceptualize raw niya ang “Hello Universe” para sa mas malawak na audience at masasabing commercial ito.
Katunayan, bago man ipalabas ang pelikula, ilang beses na raw niya itong napanood.
While doing the film, binigyan din ni Xian ng free rein ang kanyang mga aktor to interpret their roles.
Sa dami raw ng jokes sa pelikula ay inabot nang three hours ang running time ng movie.
Kaya naman he had to trim it down to 1 hour and forty minutes.
Hirit pa niya, naniniwala raw siyang hindi naman nag-suffer ang kalidad ng pelikula at na-preserve ang integridad nito.
Inspirasyon daw niya sa paggawa ng pelikula ang buhay niya, ang kanyang pamilya at ang mga taong nakasalamuha niya while growing up.
Prior din daw kasi niyang mag-showbiz, pangarap daw talaga niya ang maging isang basketball player na pinapaksa rin sa pelikula.
Between acting and directing , mas pressured din daw siya sa pagdidirek dahil sa mas malaking responsibilidad nito.
Meaning bilang captain of the ship he has to oversee everything from pre-production, shooting at post-production.
May cameo rin si Xian sa pelikula kung saan nahulog siya sa Pier at naglunoy sa tubig nang maging biktima siya sa karakter ni Janno Gibbs who plays the lead.
Ang “Hello Universe” na isinulat at idinirehe ni Xian ay nagtatampok kina Janno Gibbs, Anjo Yllana at Benjie Paras.
Palabas na sa mga sinehan sa Enero 25, kasama rin sa cast sina Maui Taylor, Sunshine Guimary, Gene Padilla at marami pang iba.