WebClick Tracer

NEWS

39 na dedo sa mga pag-ulan, baha – NDRRMC

Umakyat na sa 39 ang nasawi sanhi ng patuloy na pag-uulan sa bansa, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkoles.

Base sa datos ng NDRRMC, 12 sa iniulat na namatay ay mula sa Zamboanga, siyam sa Bicol Region, walo sa Northern Mindanao, pito sa Eastern Visayas at tig-isa sa Mimaropa, Davao Region at Soccsksargen.

Ngunit nilinaw ng NDRRMC na mula sa nasabing bilang ng mga nasawi ay 19 pa lang ang kumpirmado.

Samantala, umabot na sa P1.26 bilyon ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura dulot ng mga pag-ulan at baha sanhi ng low pressure area, shear line at amihan sa bansa.

Nasa P833.07 milyon na ang danyos sa agrikultura sa Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at Caraga.

Habang nasa P430.48 milyon naman ang pinsala sa mga imprastraktura sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Central Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. (Catherine Reyes)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on