WebClick Tracer

SPORTS

Almond Vosotros, TNT Tropang Giga muling raragasa sa 3×3

Masigla at palaban, asinta ni Almond Vosotros at ng TNT ang pangalawang sunod na titulo pagdribol ngayong Huwebes ng Philippine Basketball Association 3×3 Third Conference Season 2 Leg 3 sa Robinsons Place Antipolo.

Bonggang sinalubong ng Tropang Giga si main man Vosotros sa pagkopo sa second leg title sa 20-14 win kontra Barangay Ginebra San Miguel at ibangko ang top prize na P100K.

Wala sa guni-guni ng telecommunication franchise na magpetiks, binalasa ni coach Mau Belen ang kanyang roster para sa panibagong digmaan.

Makakatuwang pa rin ni Vosotros sa gitna si big man Lervin Flores, pero sasamahan sa wingmen sa senaryong ito nina Samboy De Leon at Gryann Mendoza.

Dehins din nagpahuli ang opening leg champion San Miguel Beer na binalik si James Mangahas karelyebo ni Dariel Bayla. (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on