WebClick Tracer

SPORTS

Balik-takbuhan na

Nakatutuwang full-blast na ang mga footrace sa loob at labas ng Metro Manila.

Kakalunsad lang ng 11th Run 7-Eleven 2023 na sabay-sabay na kakaripas sa mga lungsod ng Muntinlupa, Cebu at Davao sa darating na Feb. 4-5.

Ang mga kategorya rito ay 42K, 32K, 21K, 16K, 10K Buddy Run, 10K, 5K, 3K at 1K.

Nanguna sa pagtitipon si Jose Ang Jr., ang General Merchandise Division Head/Digital Managing Director ng kompanya.

Siya rin ang pangulo ng National Masters Senior Athletics Association of the Philippines (NMSAAP).

Maraming masayang mga mananakbo dahil paghahandaan ang okasyong ito.Magagara rin ang mga papremyo nila.

Pero marami rin ang abangers sa lolo ng mga marathon sa ‘Pinas, ang National MILO Marathon.

Hanggang nitong Martes kasi walang pasabi ang Nestle Philippines, Inc. kung babalik na sila makaraang huling magdaos ng 2020 National Finals bago tinengga ng pandemya.

Pero hayaan po ninyo dear fellow runners, co-marathoners, makikibalita pa rin tayo sa mga kontak natin sa mga taga-NPI at ibabato ko po sa inyo ‘pag may nalaman ako.

Pansamantala, botak lang muna tayo.

At maghanda.

Ingat pa rin po tayo.

***

Congratulations kina Gab at Justine Javier na mga kinasal noong Linggo, Jan. 22 sa Amberfields, Tagaytay City. Pagbati mula sa inyong ina na si Perla Rivera.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on