WebClick Tracer

NEWS

Catapang pinakalkal sa AMLC ang bank account ni Bantag

Sisilipin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga bank account ng suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.

Inihayag ito ni acting BuCor chief Gregorio Catapang kaugnay ng ikinakasa nilang kasong plunder laban kay Bantag dahil sa mga kuwestyonableng paglabas ng mga pondo para sa pagpapagawa ng mga prison facility na nasa P1 bilyon ang halaga.

Sa panayam ng CNN Philippines nitong Miyerkoles, sinabi ni Catapang na makikipagpulong sila sa mga opisyal ng AMLC para hilingin ang tulong ng ahensya sa pagsasampa nila ng kasong plunder laban kay Bantag.

Ayon kay Catapang, hihilingin din nila sa AMLC na silipin ang mga bank account ni Bantag at mga miyembro ng pamilya nito para malaman kung may mga naganap na money transfer.

Sinabi pa ni Catapang na mayroon na silang ebidensya na magpapatunay na nasa P300 milyon ang pondong inilabas para sa nasabing proyekto pero hindi naman natapos ipagawa.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on