WebClick Tracer

NEWS

DMW tinanggal OFW ban sa India

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na tinanggal na nito ang deployment ban ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa India.

Nilagdaan ni DMW Undersecretary Bernard Olalia ang Advisory No. 2 series of 2023 nitong Enero 19 matapos umanong ikonsulta sa Department of Foreign Affairs (DFA) dahil na rin sa maraming kahilingan mula sa mga manggagawa.

Ayon sa DMW, maaari ng magpatuloy ang proseso ng mga employment contract ngunit kinakailangan na kumpirmado ito ng Philippine Embassy sa New Delhi, India.

Ngunit nilinaw din sa DMW advisory na hindi pa kasama ang mga household service worker hangga’t hindi pa ganap na `certified compliant’ ang India sa Republic Act 8402 o Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 na inamiyendahan ng RA 10022.

Disyembre 5, 2022 ipinatupad ng DMW, sa pamamagitan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Advisory No. 77, Series of 2022, ang suspensyon ng pagpapadala ng mga OFW sa India dahil ito’y “non-compliant destination country” para sa mga OFW. (Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on