WebClick Tracer

METRO

Galamay ng Tiñga drug syndicate timbog

Arestado ang isang miyembro umano ng Tiñga drug syndicate matapos itong mahulihan ng nasa P95,000 halaga ng shabu at baril sa isinagawang operasyon ng Taguig City Police, base sa ulat nitong Miyerkoles.

Ayon kay Taguig Police chief Col. Robert Baesa, nasakote ang suspek na si Bernardo Tiñga, 56, sa P. Mariano S., Barangay Ususan dakong alas-8:20 ng gabi noong Enero 20.

Inaresto si Tiñga sa bisa ng search warrant na inisyu ng Taguig Regional Trial Court Branch 15.

Nakumpiska umano sa suspek ang P95,200 na halaga ng pinaniniwalaang shabu, isang kalibre .45 baril na walang lisensya, magazine at mga bala nito.

Ayon kay Col. Baesa, notoryus umano ang Tiñga drug syndicate hindi lang sa Taguig kundi sa mga karatig lungsod nito.

Napag-alaman na ilang miyembro na ng naturang sindikato ang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad kabilang si Joel Tiñga na hinatulan na ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga noong 2016.

Isa pang miyembro na nakilalang si Elisa Tiñga, asawa ni Noel Tiñga, na pinsan umano ng dating alkalde ng Taguig ang hinatulan din ng pagkabilanggo noong 2017.

Noong 2020 naman ay isang buy-bust operation ang isinagawa ng Taguig Police at naaresto si Patrick Ace Tiñga na nakumpiskahan ng mahigit P20 milyong halaga ng ilegal na droga. (Edwin Balasa/Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on