WebClick Tracer

SPORTS

Go Aydan Go nagpabido sa Philracom Metro Race

NILADLAD ni Go Aydan Go ang liksi upang mamayagpag sa Philracom (Philippine Racing Commission) 3-Year-Old & Above Maiden Race Miyerkoles ng gabi sa Metro Manila Turf Club Inc. sa Malvar/Tanauan, Batangas.

Kinubabawan ni jockey Jommel Lazaro, pumoste ang kabayo ng tiyempong 1:14 minuto sa 1,200 meter race upang hamigin ni winning horse owner Ed Gonzalez ang P20K premyo.

Sumegundo si Marikit, tumersero si Ark Of Gold at pumang-apat si Kingwash Pogi Bato na ginabayan ni MP Canete.

Ang kagapan ay isa sa walong pinatakbong karera ng MMTCI na lahat ay sinuportahan ng Philracom. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on