WebClick Tracer

METRO

Helper nadaganan ng sako-sakong bulak, tigok

Pambihirang kamatayan ang sinapit ng isang binatang helper na nadaganan ng mga bumagsak na sako-sakong bulak habang dinidiskarga ang mga ito mula sa container truck sa Novaliches, Quezon City, Martes ng umaga.

Dineklarang dead on arrival sa Bernardino General Hospital sanhi ng grabeng pinsala sa ulo ang biktimang si Salic Polao Olama, 39-anyos at nakatira sa Novaliches.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nangyari ang aksidente bandang alas-10:30 ng umaga sa

Care Products Inc. na matatagpuan sa Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Ayon sa imbestigasyon ni Corporal Nestor Ariz, magkatuwang na binuhat ni Olama at ng kasama niyang si John Lester Sabulao Aniano ang ilang bungkos ng mga produkto ng bleached cotton mula sa container truck nang bumigay ang mga nakahilerang sako ng produkto na tumitimbang ng mahigit kumulang sa 180 kilogram at aksidenteng bumagsak sa ulo ng biktima.

Bumulagta at nawalan ng malay ang biktima kaya isinugod ito ng kanyang mga kasamahan sa nabanggit na ospital pero dineklarang dead on arrival dakong alas-10:50 ng umaga ni Dr. Reigner Fiesta.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung may pananagutan ang kompanya ng biktima sa nangyaring aksidente. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on