WebClick Tracer

SPORTS

Jalen Hudson, Jojo Lastimosa nagpasiklab sa unang salang

Mga laro ngayon (PhilSports Arena)
4:30 pm – Terrafirma vs Converge
6:45 pm – NorthPort vs Meralco

Tinalo ni Jojo Lastimosa si Jamike Jarin sa debut ng mga bagong coaches sa 47th Philippine Basketball Association 2023 Governors’ Cup elims Miyerkoles ng gabi.

Siniguro nina RR Pogoy at import Jalen Hudson na makukuha ni Jolas ang ‘W’ nang angklahan ang atake sa fourth quarter para ipreserba ang 123-119 panalo kontra Phoenix sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos si Hudson ng 34 points mula anim na 3-pointers, 10 rebounds at 7 assists. Dalawa lang ang mintis ni Pogoy sa 11 tira tungo sa 21 points. May 17 markers pa off the bench si Calvin Oftana para sa Tropang Giga.

Si Lastimosa ang humalili pansamantala kay Chot Reyes na busy sa Gilas Pilipinas.

Unang laro rin ni Jarin bilang tactician ng Fuel Masters kapalit ni dating coach Topex Robinson.

Nagsumite si Du’vaughn Maxwell ng 21 points, 19 rebounds, 5 assists at 5 blocks, pero kanya ang 9 sa 16 turnovers ng Fuel Masters. Umayuda ng 20 si Jason Perkins.

Sa first game, ikinalat ni Kevin Alas sa fourth quarter ang 19 sa kanyang career-high 31 points para giyahan ang NLEX sa 124-102 win kontra Blackwater.

Ilang oras bago ang laro ay nakakuha ng clearance mula sa dating team sa China si Jonathon Simmons at tumapos ng 32 points, 9 rebounds, 7 asssits. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on