Naging panauhin nina Regine Velasquez at Jolina Magdangal si Janno Gibbs sa “Magandang Buhay” kamakailan.
Ayon kay Janno, close sila ni Regine noon dahil pareho sila ng management.
Hirit pa nila, may mga pagkakataon daw na natsismis sila sa isa’t-isa dahil sa kanilang closeness.
Pagbabalik-tanaw pa ni Janno, malaki raw ang utang na loob niya kay Manilyn Reynes dahil click ang naging love team nila noon.
Proudest moment naman niya ay nang magbida siya sa ‘Pedro Penduko’ at iba pang mga pelikula kung saan napatunayan niya ang galing sa pagpapatawa.
Naurirat din ang aktor tungkol sa relasyon nila ng misis na si Bing Loyzaga.
Bluff ni Janno, clueless raw sina Regine at Jolina na ‘hiwalay ‘ na sila ng misis.
Kinabahan naman ang dalawang hosts sa bluff ng aktor na pagkatapos ay binawi nito sa pamamagitan ng pagsasabing nagbibiro lamang siya.
Hirit pa ni Janno, magsi-celebate na raw sila ni Bing ng kanilang 31st wedding anniversary.
Sikreto raw ng kanilang pagsasama ang respeto at pagmamahal nila sa isa’t-isa.
Aminado rin si Janno na nagkaroon siya ng reputasyon noon na laging nale-late.
Aniya, mula raw nang magbalik siya sa Viva ay ayaw na niyang sirain ang pagtitiwala ng mga bossing sa kanya.
Kaya naman, dumarating na raw siya sa trabaho on time.
Sa ngayon daw, nag-mellow na rin daw siya lalo pa’t he’s not getting any younger.
Si Janno ang bida sa pelikulang “Hello Universe” na isinulat at idinirehe ni Xian Lim.
Reunion movie rin niya ito with Anjo Yllana and Benjie Paras.
Palabas na sa mga sinehan sa kasalukuyan, nasa cast din ng pelikula sina Maui Taylor, Sunshine Guimary at Gene Padilla. (Archie Liao)