Viral sa Twitter ngayon ang TikTok video nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Makikita ang lovebirds sa kanilang intimate moments kung saan nagpapalipas sila ng time together sa isang dalampasigan.
Katunayan, marami ang kinilig sa phenomenal na tambalan sa kanilang bonding bilang magdyowa. Nagtatampisaw sila sa dagat, magkayakap na nagsasayaw habang hinehele ng mga alon at pinagmamasdan ang pagngiti ng araw.
Sighted din sa nasabing video si Daniel habang pasan si Kathryn sa kanyang mga balikat habang nag-i-stroll sila sa beach at nakikipaglaro sa mga alon.
Sa video, may caption si Daniel tungkol kay Kathryn na: “Naba-balance namin ang isa’t-isa. Siya ‘yung taong pinupuntahan ko at mawawala lahat ng bigat na nararamdaman ko. Hindi lahat ng tao, ganu’n. She’s like home to me.”
Ipinakita rin ang ilang kilig moments nila habang nagkukulitan bago kumain, namamasyal nang magka-holding hands. Pati na ang candid shots ng kanilang mga bakasyon bilang travel buddies sa ibang bansa at iba pa.
Ito ay sa okasyon ng ika-25 taong anibersaryo ng kanilang love team.
Dahil sa naging pasilip ng kanilang sweet bonding moments, hindi tuloy maiwasang mag-isip ng kibitzers na feeling nila ay magpo-propose na si Daniel kay Kathryn.
May mga nagsasabi namang bet na raw pakasalan at iuwi ni Daniel ang nobya lalo pa’t nasa wastong edad na rin ang mga ito para mag-asawa.
Ito ang ilang hirit ng kibitzers:
“She’s like home to Daniel. Bet nang i-take home ni Daniel si Kath.”
“Feeling ko, magpo-propose na si DJ kay Kathryn.”
“Kaya nga nagpapatayo na sila ng kanilang dream house.”
“Hindi lang sila perfect match. Meant to be talaga sila.”
“Ay, paandar lang iyan, dahil first time nilang magsasama sa isang commercial para sa isang telco.”
“Kasal na lang naman talaga ang kulang sa kanila.” (Archie Liao)