All mine to give ang pagsampal, kalmot, at paghampas ni Lovi Poe kay Allen Dizon sa pelikulang “Latay”.
Biro nga ni Allen Dizon na sakdal husay bilang si Olan, ang lalaking ang tanging kasalanan lamang ay ang wagas na mahalin si Lorie: “Lumabas talaga ang dugong action king ni Lovi eh. Malakas talaga siyang manampal, humampas at manabunot. Ang nakakatuwa pa sa mga eksena naming na ganun, walang rehearsal yun. Walang choreography. Talagang ibinigay lang sa amin ang instructions tapos hand held cameras ang kumukha sa eksena na tuhog. Walang cut.”
Inamin ni Dizon na talagang nagkapasa siya at kalmot dahil nga sa kanyang deskripsyon: “Intense actress kasi si Lovi at yung hugot kasi ng character niya malalim.”
Kay Poe naman, pawang papuri ang ibinibigay kay Allen: “He is such a giving actor. Grabe ang devotion ng character niyang si Olan sa akin, kay Lorie. At kasi naman si Lorie, ayaw niya na parang nararamdaman na iniiwan siya ng mga mahal niya. And I am sure, nakita niyo naman sa movie kung ano ang mga dahilan kung bakit siya nagkakaganito.”
Tinanong ko si Lourdes Virginia, kung nasarapan ba siyang masampal si Mariel de Leon? Sagot nito: “Bilang si Lorie. Of course. Hahahaha. Ang kulit niya kasi. Pahara-hara sa dinaraanan ko then nagso-sorry eh alam mo namang hindi sincere, eh di nakatikim siya ng sampal na talagang napabagsak siya sa road. Hahaha.”
Sa totoo lang, grabehan ang emotional truth at husay na binuhos nina Poe at Dizon sa kanilang mga katauhan.
Ang “Latay” ni Ralston Jover ay isang malinaw na pagpapakita at pagbibigay buhay sa kasabihan sa Ingles na “too much love can kill you” at ang battery, physical o emotional man, ay walang pinipiling kasarian dahil ito ay isang power play kung saan kung saan ang dominanteng tao ay iginigiit ang kanyang kapangyarihan sa sunud-sunuran na walang magawa at pagpipilian kundi ang magsabi ng oo. Hindi alintana ang pang-aabuso dahil sa bulag na pagmamahal at katotohanan na mas kailangan niya ito para “mabuhay”.
Susan malaking kawalan kay Coco
Naging tunay na maglola ang turingan at relasyon sa “FPJ’s Ang Probinsiyano” nina Susan Roces af Coco Martin.
Ang reaksyon niya nung mabalitaan ang pagpanaw ng Philippine showbiz queen. Pag-alala ni Rodel: “Nasa shooting kami noon sa Ilocos nu’ng dumating sa amin ang balita. Talagang lahat kami nabigla. Natigalgal. Nalungkot. Wala nga kaming usap-usap basta nu’ng nag-pack up taping, lahat kami dumiretso pabalik sa Maynila para makiramay sa naiwang pamilya ni Tita Susan.”
Dahil nga lumalim ang kanilang samahan ni Lola Flora, natural sa kanila ang masinsinsinang pag-uusap at talagang palagian niyang hinihingan ng paggabay at payo ang Queen of Philippune Showbiz.
Ano ba ang pangaral ni Ms. Susan na dadalhin niya habang buhay? “E, siyempre po ‘yung pagrespeto sa sarili. Kasi yun po ang palaging pangaral sa akin ni Tita Susan,” maagap nitong sagot.
“Sa sobrang pagkakakilala ko sa Lola ko hinding hindi niya ikokompromiso o isa-sacrifice ‘yung mahabang pinaghirapan niya para marating kung ano ung pagtingin sa kanila ng mga tao.
Patuloy nitong paliwanag: “Kasi, ang pinakaimportante ay ‘yung respeto sa sarili, e. Sa dami ngayon ng social media, halos lahat ngayon, everyday parang nakabukas tayo sa mga tao.”
Aniya pa,:“Ako po hangga’t maaari, hangga’t kaya kinu-conserve ko ang sarili ko lasi hindi naman ako perpekto. Meron tayong nagagawa na hindi nagugustuhan ng mga tao o sa mga mata ng tao. Pero para po maprotektahan ang aking sarili, mas pinili ko na lang po sa sarili ko ang manahimik.”
Ang talagang gusto ni Coco: “Kung mabibigyan po ako ng pagkakataon na makapag-inspire sa mga tao, gagawin ko. Lalabas ako. Pero pag alam ko na hindi ako sigurado at alam ko na maaari ako’ng magkamali, mas pinipili ko na lang po ang manahimik sa aking buhay. Kasi ‘yun nga po ang sinasabi ko na walang perpektong tao at ayoko na maipakita sa mga tao ‘yung mga bagay na hindi makakabuti sa paningin nila. Kasi mas hinahangad ko makapagbigay inspirasyon ako lalong-lalo na sa mga kabataan.”
Ang kanyang pangako tungkol sa mga proyektong ginagawa: “Every time po na gumagawa ako ng pelikula at teleserye lagi ko pong iniisip ang mga manonood. Kasi alam ko po na ang laki ng obligasyon namin bilang artista. Lalo na po ngayon na nagdidirek na ako na hindi man 24 hours nababantayan ng mga magulang ang mga bata, pero sa pamamagitan namin, sa pamamagitan ng paggawa namin ng mga kuwento sana nakakapagbigay po kami ng magandang aral sa mga tao.”
Ang miss na miss ni Coco sa Lola Flora nating lahat: “Yung pagdala niya ng maraming-maraming pagkain sa amin. Kasi napaka-generous po talaga ni Tita Susan. At sinisigurado niya na hindi lang mga artista kundi lahat ng cast and crew, lahat kami kumakain. Kasi ang buong sasakyan puro laman, puro pagkain. Kaya talagang sobrang nakaka-miss po ‘yung presence niya. Kapag umaga, ‘pag breakfast, nakikipagkwentuhan kami, siya ‘yung pinakamalakas tumawa. Kaso ganoon po siya, e. Masayahin po talaga kasi siyang tao. Pero ‘pag oras ng tranaho si Tita Susan naman ang pinaka-propesyunal.
Kasi, naiintindihan niya ang production. Hindi puwedeng mag-aksaya. Hindi pupwedeng tatamad-tamad o palpak. Si Tita Susan po kasi dahil siyempre,producer po sila, e. Alam niya ‘yung left and right. Naiintindihan niya ‘yung mga artista, naiintindihan din po niya ‘yung produksyon. Kaya sobra pong napakalaking kawalan po sa amin.”
Dahil nga talagang pangmalakasan ang kanyang karera, secure na lahat ng aspekto ng kanyang buhay, ang paglagay ba tahimik ay maasahan na sa kanya? Matamis na ngiti muna ang ibinigay ni Coco Martin at sumagot na: “Handang-handa na ako kung sakali akong magkakaroon ako ng sariling pamilya. Nasa puso ko na ang right one. Anytime, handa na ako.
Nagpapatayo na nga ako ng bahay para sa magiging pamilya. Katabi naman siya ng bahay ko sa ngayon na ang lol ako nakatira at namamahala. Naiayos ko na ang buhay ng mga kapatid ko at lahat ng mga mahal ko sa buhay. Kaya nga masasabi ko na talagang handang-handa na ako.”