WebClick Tracer

NEWS

Mga Kadiwa outlet tuloy-tuloy ngayong 2023

Magpapatuloy ang operasyon ng mga Kadiwa outlet ngayong taon, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa briefing ng House committee on agriculture and food, nagtanong si Marikina City Rep. Stella Quimbo kaugnay ng estado ng Kadiwa program sa gitna ng mga balita na nag-expire ang ilan sa mga memorandum of agreement kaugnay nito.

Ayon kay DA Chief Administrative Officer Junibert de Sagun, walang Kadiwa outlet na pinatigil ang operasyon.

“`Yung mga ongoing regular Kadiwa po ay still ongoing pa rin po naman siya, wala naman po tayong pinapatigil. Subject to schedule po `yung Kadiwa natin,” sabi ni De Sagun.

Ipinaliwanag ni De Sagun na hindi bumibili ang DA ng mga ibinebenta sa Kadiwa outlet kundi nagsisilbi lamang itong marketing linkage sa tulong ng ibang ahensya.

“So in short mukhang mayroon naman kayong sapat na budget para sa taong 2023 para mapagpatuloy ang Kadiwa?” tanong ni Quimbo.

Sagot naman ni De Sagun: “Yes po your honor kasi minimal subsidy lang naman po ang ginagawa… Physically, marketing linkages lang `yung ating ginagawa.” (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on