WebClick Tracer

NEWS

Mga OFW maraming reklamo sa Kuwaiti employer – DMW

Maraming natatanggap na report ang Department of Migrant Workers (DMW) tungkol sa mga paglabag sa kontrata at pang-aabuso ng mga Kuwaiti employer sa mga overseas Filipino worker (OFW).

“There are cases of contract violations, abuse and maltreatment ng ating mga OFW kung kayat panahon na para rebisahin natin `yung kasalukuyang kasunduan between ng pamahalaan at Kuwait government tungkol sa ating bilateral labor arrangements,” sabi ni DMW spokesperson Toby Nebrida sa Laging Handa public briefing nitong Miyerkoles.

Inihayag ito ni Nebrida dahil na rin sa sinapit ng isang Pinay na nabuntis matapos gahasain umano ng anak ng kanyang among Kuwaiti saka pinatay at sinunog pa sa disyerto ang bangkay.

Ayon kay Nebrida, sa ngayon ay pinag-aaralan ng gobyerno na ilagay sa blacklist ang mga employer sa Kuwait na malupit sa mga OFW.

“`Yung magba-blacklist tayo, hindi na makakapag-deploy, hindi na makakakuha ng OFW mula sa Pilipinas ang mga nasa blacklist natin. So banned sila perpetually from ever having the privilege of a Filipino worker,” ani Nebrida.

Dapat aniyang magkaroon ng parehong responsibilidad ang gobyerno at Kuwaiti government upang masiguro ang kapakanan at kaligtasan ng mga OFW tulad ng ginawa sa Saudi Arabia. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on