WebClick Tracer

NEWS

Mga PAF trainer aircraft tigil-lipad

Hindi muna puwedeng lumipad ang mga SF260 trainer aircraft ng Philippine Air Force (PAF) kasunod ng pagbagsak ng isa sa mga ito sa bukirin sa Bataan na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang piloto nito.

Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, isang preventive measure ito para masilip ang iba pang eroplano nila habang gumugulong ang imbestigasyon.

Sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Andres Centino na aalalayan nila ang mga pamilya ng dalawang piloto.

“Unfortunately, one of our SF260 aircraft crash landed in Bataan just this late morning. We confirm that it is one of our Air Force aircraft, the SF260 aircraft from Sangley. It was on a recurrency training and that there were two pilots involved,” sabi ni Castillo.

Natagpuan ang mga bangkay at ang eroplano sa bukirin sa Sitio Tabon, Brgy. Del Rosario, Pilar Bataan. (Catherine Reyes)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on