WebClick Tracer

METRO

Mobile Legends player tinarakan sa leeg

Sugatan ang isang lalaki matapos tarakan ng gunting sa kanyang leeg habang naglalaro ng Mobile Legends sa Dasmariñas City, Cavite, Martes ng gabi.

Ginagamot ngayon sa Ospital ng Dasmariñas ang biktima na si Ricardo Gumasing y Dela Peña, nasa hustong gulang, dahil sa saksak ng gunting sa kanyang leeg.

Nasakote naman ang suspek na si Cesar Limjoco Arpon Jr, nasa hustong gulang.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:50 kamakalawa ng gabi nang mangyari ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima sa Barangay H2 sa Dasmariñas City habang abala ito sa paglalaro ng ML.

Hindi napansin ng biktima na dumating ang suspek na armado ng gunting at walang sabi-sabing sinaksak siya ng dalawang beses sa leeg.

Matapos tarakan, mabilis na tumakbo ang suspek ngunit nakatawag ng saklolo ang biktima sa mga barangay tanod kaya naaresto si Arpon. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on