WebClick Tracer

LIFESTYLE

Napupunit na muscle

Ang paggalaw ay normal nang gawain natin sa pang araw araw. Hindi natin namamalayan kung minsan ay nasosobrahan na pala. Ngunit may ga sintomas na maaaring makita o maramdaman na magbibigay sa atin ng babala na lumalala o malala na ang kundisyon. Ito ang tinanong sa ating ngayong linggo na ito. “Nagkaroon ng pasa sa loob ng aking hita, wala naman akong naging aksidente. Kinabukasan habang nagpapraktis ay biglang tumindi ang sakit sa lugar at hindi halos makalakad. Nakita naman agad ng doktor na nagbigay ng mag gamot at pinapahinga ako. Mayroon kaming mahalagang kompetisyon at kinakailagan magensayo, hindi ba pwedeng ilang oras lang na pahinga tapos balik na sa ensayo? Lalo na nakakalakad na ako ilang sandali makalipas.”

May pagkakataon na sa sobrang daming kilos at galaw ay mananakit ang ating kalamnan. Strain ang tawag dito. At simpleng pahinga ay malaking bagay na at nanunumbalik na sa dati. Kung sumobra na ordinaryo, ay sprain na ang tawag dito. Lalo na kung ito ay biglaan, kadalasan may aksidenteng kinalaman. Alinman sa dalawa ang nangyari, maaaring magkaroon ng maliit ni punit o di kaya micro tears. Kung ito ay mayroong ugat sa lugar na apektado, magkakaroon ng pasa o hematoma. Ngunit ang pasa ay may pagkakataon na makita hindi sa lugar na apektado, kundi sa mas mababa pa na parte dahil sa pagbaba nito. Kahit alin sa tatlo, kaunting gamot, yelo sa umpisa at warm compress na pagkalipas ng 24 oras, kasama na ang pagpapahinga ay napakalaking bagay para humilom ng maayos ang muscle. Ang pagpapahinga ay simpleng hindi masyadong maggagagalaw hanggang sa hindi talaga ito magagalaw dahil sa mga splints, casts, supports o devices. Panahon ang kinakailangan sa pagpapahinga. Hindi ito maipagmamadali. Sa pagkakataong ito, ang pasa ay maaabsorb ng katawan. Ang mga maliliit na sugat o punit ay magkakaroon ng fibrosis at hihilom. Ngunit kung hahayaan ito at ipagpapatuloy ang gawain, mapaehersisyo, ensayo, o anumang paulit ulit na galaw na may pwersa, pwedeng matuluyan ang punit at magkaroon ng rupture. Hindi na maikikilos ng mabuti ang lugar, may panghihina at maaaring kapansin pansin ang hugis na ngayon ay may anomalya na. Sa ganitong pagkakataon ay hindi sapat ang ordinaryong pahinga at baka mangailangan na ng agresibong pamamaraan kasama na ang mga operasyon. Sa ganitong pangyayari, na operahan, ay maaaring manumbalik sa dati ang hugis, lakas at buong kilos at galaw. Pero pwede din na hindi bumalik ito. Ang matindi pa ay pwedeng hindi na makakabalik sa paboritong gawain.

Ito ang hinaharap na desisyon, lalo na ng mga atleta. Kinakailangan bumalik agad sa ensayo dahil may gustong patunayan at kinakailangan makamit ang pagkapanalo. Ngunit, kung hindi magbibigay ng pagkakataong maipahinga ng maayos ang katawan, magkakaroon ng kumplikasyon ang kundisyon. Kapag mangyari ito, kalimutan na ang kasalukuyang laban, kalimutan na din ang kasalukuyang gawain. Sa masamang pagkakataon ay maaaring hindi na matutuloy ang kagustuhang manalo dahil hindi na talaga magagawa ang dating gawain.

Hanggang sa susunod na Huwebes! Stay Healthy! Stay safe! Get vaccinated! Get Boostered!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at IZTV 23, tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing huwebes 1pm) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on