WebClick Tracer

METRO

Online seller todas sa utol ng dyowa

Ayaw umanong maging miyembro ng pamilya kung kaya’t binaril at napatay ang isang online seller ng kapatid ng kanyang nobya habang pababa sa sinakyang tricycle sa Tanza, Cavite, Martes ng gabi

Namatay noon din ang biktimang si Ronan Clyde Angeles, nasa hustong gulang, isang online seller at nakatira sa Tanza.

Arestado naman sa follow-up operation ng kapulisan ang suspek na si Gemmenel Tating, nasa hustong gulang din, isang technician ng relo at taga-Trece Martires City.

Sa ulat ni Police Staff Sergeant Jonathan Lagario ng Tanza Police Station, dakong alas-10:50 kamakalawa ng gabi nang mangyari ang krimen sa Pabahay 2000 sa Brgy. Bagtas, Tanza habang pababa ang biktima mula sa sinakyang tricycle at nilapitan siya ng suspek saka bigla na lamang binaril ng dalawang beses.

Tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo. Pero nasakote rin ito sa follow-up operation sa Brgy. Luciano sa Trece Martires City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kasintahan umano ng biktima ang kapatid na babae ng suspek at ayaw ng pamliya nito si Angeles. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on