WebClick Tracer

SPORTS

Paul George, Los Angeles Clippers winasiwas ang Los Angeles Lakers

Kumalas sa second quarter ang Clippers bago sinabayan ang tangkang rally ng Lakers para itakbo ang 133-115 win sa Battle of Los Angeles sa 77th National Basketball Association 2022-23 regular season game sa Crypto.com Arena sa California nitong Martes.

Abante sa 77-54 sa break at 98-82 pagkatapos ng tatlong quarters ang Clippers (26-24), laging may sagot tuwing magsisimulang bumalik si LeBron James na nagsalpak ng career-high 9 3-pointers.

Namuno sa Clippers ang 27 points, 9 rebounds ni Paul George, sinegundahan ng 25 at 9 ni Kawhi Leonard.

Mainam din ang nakuha ng dalawa na suporta mula sa bench, nag-ambag ng 22 points si Norman Powell at may 19 markers, 5 assists si Reggie Jackson.

Bigong ibalik ng 46 points, 8 rebounds,7 assists ni James at 17 markers ni Russell Westbrook ang Lakers (22-26) na naiwan hanggang 23 points. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on