WebClick Tracer

NEWS

PBBM pinangako magna carta ng mga BHW

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tututukan ng Malacañang ang Magna Carta for Barangay Health Workers upang maging ganap na batas ito.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa isang aktibidad sa Malacañang na dinaluhan ng mga barangay health worker o BHW.

Sa kanyang mensahe, kinilala ng pangulo ang kontribusyon ng mga health worker at malaki aniya ang magagawa ng panukalang batas para umangat ang kanilang kundisyon.

Ibinalita ng pangulo sa mga bisita na kasama ang Magna Carta for Barangay Health Workers sa mga panukalang batas na nakapasa sa Kamara at umaasa siya na magiging positibo rin ang aksyon sa senado.

“I’m happy to say, I was with the PLLO [Presidential Legislative Liaison Office] yesterday and kasama na doon sa napasa na na mga batas ay isa doon was the Magna Carta for Barangay Health Workers. Kaya’t malaking bagay ‘yan,” pahayag ng pangulo.

Kinilala ng pangulo ang sakripisyo ng mga BHW at mga volunteer sa barangay lalo na kapag mayroong mga sakuna o kalamidad kaya malaking tulong ang mga ito para mabilis na maihatid ang serbisyo ng gobyerno sa mga tao.

Tinukoy ng pangulo ang malaking papel na ginampanan ng mga BHW sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic tulad ng house-to-house visit at pag-alalay sa mga dinadala sa mga ospital at isolation facility.

“We cannot do this without you. Please keep up the good work. And the government and most importantly, our people, are counting on you,” dagdag ng pangulo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on