WebClick Tracer

NEWS

PH passport tinatakan ng pekeng BI stamp sa Malaysia

Nadiskubre sa pagdinig sa Senado na natatakan ng pekeng stamp ng Bureau of Immigration (BI) ang pasaporte ng isa sa mga testigo na biktima ng human trafficking.

Sa imbestigasyon ng Senado sa kaso ng human trafficking sa Myanmar at Cambodia, iniharap ang isang biktima na itinago sa alyas na `Brando’ at inilahad nito ang mahabang proseso na kanyang dinaanan bago siya nakarating sa Cambodia.

Aniya, dumaan sila sa `back door’ mula Zamboanga at sumakay ng ferry papuntang Jolo saka nagbangka patungong Tawi-Tawi hanggang sa nakarating sa Sabah, Malaysia.

Pagdating sa Malaysia, doon tinatakan ang kanyang pasaporte ng pekeng BI stamp.

“Please note, dear colleagues, ito po ay stamp ng BI pero sa Malaysia ini-stamp sa passport hindi po dito sa Pilipinas. Hindi ko alam na mayron pala tayong BI Philippine branch sa Malaysia,” sabi ni Senador Risa Hontiveros na nanguna sa pagdinig.

Sinabi naman ni BI Commissioner Norman Tansingco na peke ang nasabing stamp. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on