WebClick Tracer

OPINION

Port of Batangas petmalung pantalan!

Sa mga mahilig mag-roro, paniguradong papuri at thumbs up ang magiging hand signal nila kapag tanungin tungkol sa hitsura ng passenger terminal sa kasalukuyan ng Port of Batangas na tumatayong pinaka-flagship na pantalan ng bansa sa kasalukuyan kung dagsa ng mga pasahero ang pag-uusapan.

Para na kasing airport terminal ang hitsura nito dahil may nagdagdag na at may mga bago ring pasilidad kumpara sa dati na pawardi-wardi lamang ang disenyo.

Ano nga ba ang bago sa passenger terminal sa Port of Batangas?

Ang pinakakapuna-puna ay ang pagkakaroon ng dalawang malalaking TV monitors sa pre-boarding area ng terminal, kung saan, nakikita ang schedule ng mga barkong paalis pati na rin ang oras at kung saang gate dadaan ang mga pasahero patungo sa mga ito.

Kaya kung dati ay mababa na ang tsansang may maligaw sa pagsakay, ngayon ay tila wala nang posibilidad na ito ay mangyari dahil nagdudumilat sa laki ang TV monitor kung saan makikita ang mga schedules.

Bago na rin ang mga upuan kung kaya’t parelax-relax lamang ang mga pasahero habang naghihintay ng kanilang fastcraft o ro-ro patungo ng Calapan at iba pang mga lugar.

Maayos na rin ang bilihan ng ticket dahil ang mga booth ng mga ito ay inihilera nang maayos ang pagkakasunod-sunod sa pinakabunganga ng passenger terminal para di na maghanap ang mga mananakay kung saan sila bibili nito para makasampa sa mga barkong sasakyan.

So ito na nga ba ang pinakamalupet na passenger terminal sa mga pantalan sa bansa?

Kung si Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago ang tatanungin, maaring ang maging sagot niya ay “sa ngayon, oo!” dahil malapit nang dumating ang araw na mag-ooperate na rin ang isang mas moderno, mas malaki at mas malupet na passenger terminal.

Ito ay ang passenger terminal ng Port of Calapan na nagsisilbing gateway ng mg adbenturista mula sa main island ng Luzon patungo sa mga isla ng Panay, Romblon, Palawan at maging sa Negros at Kabisayaan.

Kung ano ang tinataglay ng Port of Batangas ay makikita rin sa Port of Calapan pero mayroong katangian ang huli na wala sa una.

Ang mga ito ay ang mga escalator at elevator.

So may second floor ang passenger terminal ng Port of Calapan?

Ang sagot ko ay secret!

Pero siguradong kung ano man ang susunod na kabanata na higit na ikakatuwa ng mga pasahero ng fastcraft at roro sa naturang lunsod, ‘yan ay dahil sa mga plano at programa ng mga administrasyon ni GM Santiago.

Excited na ba kayo mga ka-roro?

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on