WebClick Tracer

SPORTS

Razzal Palisoc, Vanguard Volley Team niyanig National University Archipelago

Mga laro sa Biyernes (Paco Arena, Manila)
4 pm – Santa Rosa vs Cignal
6 pm – Cotabato vs VNS Volleyball Club

Hindi hinayaan ni Razzel Palisoc na agad madungisan ang Vanguard Volley Team nang umangas at lindulin ang National University, 25-18, 18-25, 26-24, 13-25, 15-10 sa 6th Spiker’s Turf 2023 Open Conference eliminations Miyerkoles ng gabi sa Paco Arena sa Maynila.

Humugot si Palisoc ng 20 puntos tampok ang 18 spike at isang block upang bitbitin ang Vanguard sa sa bonggang binyag sa torneo at makisalo sa liderato kasama ng DNavigators Iloilo, Army at Imus .

“Advantage talaga na beterano ‘yung team kasi kahit anong mangyari malaking tulong para sa bawat isa sa amin lalo na kapag crucial,” litanya ni Vanguard coach Edjet Mabbayad. “Laruin lang nila ang laro nila kasi kita namin bata ang kalaban eh so kapag binigyan talaga ng pagkakataon yan, agresibo talagang dadalihin kami niyan.”

Sumaklolo kay Palisok at sa Vanguard sina Vince Abrot na umiskor ng 15 mula sa 12 kills at 2 service ace habang may 13 markers si Jovs Camaganakan. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on