Mainit na pinag-usapan sa social media ang mga kapanapanabik na mga eksena sa “Dirty Linen” ng ABS-CBN.
Tinutukan ng mga manonood kung paano nalamon sa galit at nangakong maghihiganti si Alexa (Janine Gutierrez) laban sa pamilya Fiero Pmatapos mapatay ng makapangyarihang pamilya ang nanay niyang si Olivia (Dolly De Leon), kabilang din ang tatlo pang kasambahay.
Inulan ng iba’t ibang papuri ang serye partikular na ang mga makapigil-hiningang mga eksena, musical scoring, at ang mahusay na pagganap Aquino, John Arcilla, Janice De Belen, Epy Quizon, at Tessie Tomas.
Trending sa Twitter Philippines ang #DirtyLinen, #DLMissing4, Francine as Chiara Fiero, Seth Fedelin, Nico Sinag, Dolly De Leon, Angel Aquino, at #JanineGutierrez at inaabangan na ng netizens ang mga susunod pang matitinding kumprontasyon.
“May ganito talagang local series? Ganito ang WORLDCLASS. Napakaganda! Nag-uumpisa pa lang, hindi mo na mapipigil
ma-excite,” tweet ni @tinosantinooo.
“NW: #DirtyLinen. Sure enough, this would be my newest addiction. This is the kind of genre i wished & waiting to watch in a TV.
This isnt just a teleserye, THIS IS GENUSELY MASTERPIECE psycho TS. Goosebumps!Pilot episode pa lang, pati
commercial ayaw kong palagpasin,” sabi naman ni @iamanjelofactor.
Sa pagpapatuloy ng kwento, sagad na sa galit si Alexa kaya sisimulan na niya ang kanyang paghihiganti at papasok siya bilang kasambahay ng mga Fiero. Dahan-dahan niyang kakalkalin ang mga itinatagong sikreto ng pamilya at magsisimula siya sa pang-aakit kina Aidan (Zanjoe) at Ador (Epy) sa tulong ng kanyang mga kaibigang sina Rolando (Joel Torre), Max (Christian Bables), at Lala (Jennica Garcia).
Ang “Dirty Linen” ay napapanood mula Lunes hanggang Biyernes 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.
David bagong crush ng bayan
Bagong crush ng bayan si David Licauco. Malaki ang nagawa ng seryeng “Maria Clara at Ibarra” sa pagbongga ng kanyang career.Tama naman ang sinasabi niya na biggest blessings niya ito.
Hindi lang siya mabango sa mga fan ngayon kundi sakalam din siya sa endorsement kasama si Barbie Forteza .
Patok kasi ang tambalan nila sa “Maria Clara at Ibarra” bilang FiLay .
Napukaw nila ang atensyon ng young power couple at owners na sina Mario Miguel at Shirleen Bautista at kinuhang first celebrity endorsers ng Ishin, isang isang dekalidad at affordable na produkto ng glutathione.
Tungkol naman sa serye ng dalawa, na-heartbroken ang viewers at netizens sa pamamaalam ni Klay (Barbie Forteza) kay Fidel (David Licauco) sa award-winning primetime series na “Maria Clara at Ibarra.”
Iniwan na nga ni Klay si Fidel sa mundo ng Noli Me Tangere para bumalik sa real world. Say tuloy ng #FiLay fans, “Grabeeee nalungkot naman ako. Hindi yata magkakaroon ng happy ending ang love story niyo ni Fidel, haisssstt sayang naman! Ba’t naman ang sakit GMA??? Di niyo man lang pinag-kiss para mawala ang pighati namin.”
May chance pa nga bang matuloy ang naudlot nilang pag-iibigan? Samantala, masho-shookt si Klay nang mabasa ang pagtatapos ng Noli Me Tangere. May magagawa pa ba siya para mailigtas si Maria Clara (Julie Anne San Jose) mula sa pang-aabuso ni Padre Salvi (Juancho Triviño)?
Ano naman kaya ang mangyayari kay Simoun (Dennis Trillo) sa pagsisimula ng El Filibusterismo?
Marami pang exciting at shocking na mangyayari sa last 4 weeks ng “Maria Clara at Ibarra.” Tutukan ‘yan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8PM sa GMA Telebabad at 9:40PM sa GTV.