Nagpaliwanag si Paolo Contis sa bago na namang issue sa kanya ngayon kung saan ay nagalit sa kanya ang fans ni Kathryn Bernardo.
Sa panayam niya kasi kay Alden Richards sa GMA-7’s online show na Just In kung saan ay guest niya ang aktor, napag-usapan nila ang blockbuster film na Hello Love Goodbye na pinagbidahan ni Kathryn at ng Asia’s Multimedia Star.
Nag-dialogue kasi si Paolo ng “yung number one movie ng Star Cinema at ABS-CBN, taga-GMA ang artista!”
Nagalit ang mga netizen lalo na nga ang mga fan ni Kathryn sa sinabi ni Paolo dahil si Alden lang ang kanyang binanggit. Pero sa mga sumunod namang dialogue ng aktor ay binanggit niya si Kathryn na tila naputol na ang video na ipinost ng netizen at hindi na napanood ang part na ‘yun.
Sa panayam kay Paolo ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda aired last Friday ay sinabi niyang ikinagulat niya na it was taken out of context at parang naghahanap lang daw ng issue ang nag-post ng video.
Inamin naman niyang hindi niya rin masisi ang mga fan ni Kathryn dahil kung ‘yung maliit lang na part na ‘yun ang napanood eh maari ngang maka-offend.
“However, pag nakakakita sila ng ganu’n, they could watch the whole interview,” aniya.
Nilinaw rin niyang sa usapan nila ni Alden ay binanggit pa ng aktor na grateful ito sa Star Cinema and thankful daw ito kay Kathryn.
“So, I believe na nadala na naman tayo ng clickbait and sadly people got mad at me and Alden to be honest,” sey ni Paolo.
When asked kung ano ang mensahe niya kay Kathryn kung nanonood ito, ani Paolo, “Hi, Kathryn, I respect you as an actress. I know you’re one of the biggest actors in ABS-CBN, sana mapanood mo ‘yung interview para ikaw mismo, makita mo na nabigyang respeto ka namin du’n sa interview.”