Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumabak na rin ang veteran actor na si Rez Cortez sa daring scenes via his latest film, Mang Kanor ng AQ Prime streaming platform.
Sa nagturang pelikula ay ginagampanan ni Rez ang isang matanda’t pangit pero maraming pera at mahilig i-video ang pakikipag-sex sa iba’t ibang babae.
Ayon kay Rez sa mediacon and private screening ng pelikula, ito na raw ang pinaka-daring film na nagawa niya sa limang dekada ng kanyang career.
“Dahil unang-una, bawal naman talaga sa mainstream cinema ‘yung mga ganun’g eksena pero dahil dito sa digital age, meron nang mga platform na pwedeng gawin ‘yun, at welcome sa akin ‘yun dahil maraming platform, maraming lugar na pwedeng pagpalabasan ng pelikula, mas maraming trabaho para sa local movie workers at sa mga artista,” sey ni Rez.
Kung sa halos lahat ng pelikula ni Rez ay kontrabida siya, this time ay bida siya at title role pa. Ano ang pakiramdam na above the title ang billing niya?
“I feel elated. Bihira akong mailagay sa ganun’g klaseng billing. So, parang naiiba dahil usually, kontrabida, support, ‘yung billing ko, palaging below the title, pero dito ngayon, above the title ako, so, natutuwa ako,” aniya.
Kasama ni Rez sa Mang Kanor sina Rob Sy,Nika Madrid, Seon Quintos, Via Veloso, Emelyn Cruz, Joni McNab, at Atty. Aldwin Alegre.Isinulat at idinirek ito ni Greg Colasito. Kasalukuyan na itong napapanood sa AQ Prime. (Vinia Vivar)