NI: NONIE V. NICASIO
Kilala ang mga Pinoy sa pagiging madiskarte, lalo na sa panahon ng kagipitan. Pero noong panahon ng pandemic at lockdown, ano ang diskarteng ginawa ng mga taga-showbiz para maka-survive? At ngayong halos unti-unting nagbabalik na sa normal ang buhay matapos ang pananalasa ng Covid -19, ano ang plano nila?
ARA MINA: “Actually, excited ako sa new normal, kasi ay na-miss natin iyong ganito (face to face interview), hindi ba? Nakakasawa rin iyong puro virtual. Noong pandemic, even our presscon-zoom. Tapos walang chance makatanong iyong ibang press dahil hindi mapipintot yung ano at nawawala pa ‘yung signal. So, nakaka-miss iyong traditional na face to face. Siyempre na-experience ko na nagte-taping ako noong pandemic sa ‘Ang Probinsyano,’ grabe. Kung nakakatangos ng ilong iyong kaka-swab, ganoon na ako nang sobra. Kasi sa sobrang, alam mo iyon? Every exit, pasok, swab. Kapag mayroon nag-positive, swab ka na naman. Hindi naman ako na-paranoid… huwag naman sana, never pa akong nag-positive,
“Mas gusto ko iyong uwian, kaysa lock in taping. Kasi may anak ako, hindi ba? May time na one month na hindi ko nakikita si Mandy, mabuti na lang ay may mga face time, hindi ba? So, ngayon ay nakakatuwa na hindi na rin lock-in yung work, antigen-antigen na lang. So part na siya ng routine ng life natin.
“Ang diskarteng gagawin ko ngayong back to normal, ang ganda kasi ng pasok ng 2023 sa akin, ang dami kong gagawing projects. Kaya feeling ko ay next year pa ako magbubuntis, kaya magwo-work muna ako.”
AIKO MELENDEZ: “Nagpapasalamat po ako na may ipon na rin po kaya kahit paano umandar naman po ang dapat umandar noong pandemic like bills po, school, grocery, baon po. And noong pandemic po naisipan kong magtayo ng gadget store na affordable na mabibili para sa prevention ng covid po. So, kahit paano pampalipas ng oras ko po iyon. Plano ko po na ipagpatuloy pa rin ang pagiging maingat at tumulong din po sa mga tao dahil nasa public service po tayo. So, mas doble sipag po dapat and mas magiging active rin po sa showbiz, hindi kasi puwedeng pabayaan amg pag-aartista dahil malaking help ito dahil itinutulong ko rin po ang TF ko.”
ANDREA DEL ROSARIO: “Suwerte lang po kami na naabutan kami ng pandemic sa probinsya (Calatagan), nag-survive kami because self sustaining din ang nakatira sa farm. We have livestocks, chickens which is where we get our eggs, goats, we have a river near by where we get kangkong and some other vegetables, and mangos from the trees. We are also a few minutes drive to our beach house. We also could play in a polo facility in the same town. Sagana sa food and at the same time we still could do sports din.
“We were lucky, because we still had a bit of normalcy kahit na yun ang pinagdadaanan natin. At ngayong unti-unting nagbabalik na sa normal, plan is to go back to work. Although, my mom and I bought a farm (from my taping) sa Tarlac. We are in the process of finishing the construction of the farm house. So in the event na, God forbid, this happens again, we have a place to stay.”
BABY GO (Movie Producer): “Noong pandemic, alam naman natin na walang hanapbuhay, lahat ay sarado, at ang husband ko ay labas-pasok sa hospital noong time na iyon, kaya ang daming pagsubok talaga sa buhay. Pero tinulungan ko ang mga kakilala kong media, nagpadala ako sa kanila para kahit paano ay may pambili ng bigas, makabili ng gamot o kung ano ang kailangan nila para maka-survive. Ang business ko sa movies, wala talaga, although may iba tayong business na tumatakbo pa rin kahit pandemic. So, importante rin noon ang magtipid at siyempre, pananalig sa Diyos.
“Ngayon, ipalalabas naang movie naming ‘Latay.’ Ang puso ko kasi ay talagang nasa showbiz industry kaya talagang gusto nating makatulong sa pagbibigay ng trabaho at patuloy na makagawa ng magagandang movies. Plus, ang ibang business ko ay ipagpapatuloy ko para makatulong sa mga kapwa natin Filipino. May housing project ang aming company na P4,500 lang ang downpayment at monthly at diretso na siyang titira, na hindi maglalabas ng any single amount hangga’t hindi yari ang bahay.”
QUINN CARRILLO:”Ako po talaga hanggang ngayon, kahit sabihin nating medyo bumabalik na tayo sa dati, pre-pandemic, importante pa rin talaga sa akin iyong vitamins. Kasi, na-experience ko iyong complacent lang, tapos biglang pumutok iyong omicron. This year lang, may mga sakit pa rin ako na hindi ko ma-explain, siguro dahil sa pandemic, nakakapraning din talaga, eh. Pero number-1 na pangalagaan ang health natin and of course, iyong mga tao sa paligid natin na sabihan nating mag-ingat pa rin sila. And after bakuna, yung second dose ng booster ay mahalaga.
“Naapektuhan din ako sa mental health, mahirap at mahal ang psychiatrist, and jina-judge ka ng mga tao na baliw ka. Pero hindi naman… So, nag-seek talaga po ako ng professional help noong pandemic. Kasi, sanay tayo na fast paced, tapos biglang shut-down. na ‘yung feeling na OMG! Wala tayong pera, wala tayong kinikita, saan tayo kukuha? So, I really needed some help and I’m unafraid to asked for it. Pero, parang naging way din iyong pandemic para mas sipagan ko at nakita ko nga ang passion ko rin as a scriptwriter ngayon. Kaya mas na-appreciate ko na ang maraming bagay, dahil sa pandemic na iyan. So ngayon ang mindset ko, hataw sa work, pero nandoon iyong ingat siyempre. Pero unahin dapat muna ang health, of course. Let’s be grateful na may work tayo and grateful ako na safe kaming lahat na family ko, malaking-malaking bagay po iyon.”
MARCO GOMEZ: “Noong pandemic, parang tulala ako, kasi po nawalan kami ng gigs, ng trabaho…, hindi ba boy group kami rati? So ang ginawa ko lang during that time ng pandemic ay nag-TikTok lang ako. Kasi sobrang bored sa bahay and siyempre bawal naman lumabas noong time na iyon. So, gumagawa rin kami ng paraan kung anuman ang raket. Noong pandemic, doon ko na-realize na you gotta do, what you gotta do, kumbaga ay magpakaligaya na lang. Pero inalagaan ko po talaga ang health ko, vitamins and everything. Ako fully vaccinated at may boosters din po.
“So ngayon, happy ako na sunod-sunod ang project ko hindi lang sa Vivamax. Ang mindset ko ngayon, parang go with the flow, na kung saan ako masaya, doon muna ako. So ngayon, sipagan lang talaga lalo, and siyempre mag-ingat pa rin po.”
SANCHO DELAS ALAS: “Noong pandemic po, thanks to ‘Ang Probinsyano,’ ito po ang nagbigay ng work sa akin all throughout and in the middle of pandemic ay nag-business din kami ng ube-cheese pandesal, iyong ibinebenta ni mama ( Ai Ai) before. Then, ngayon since wala pa naman po akong show pa ulit, nagwo-work po ako as stage manager kay Direk John Prats. Kasi nag-training din po ako bilang assistant direktor kina Direk Coco Martin, Direk John (Prats), at Direk Kevin de Vela while nasa Ang Probinsyano. Noong una ay ino-offer lang sa akin ni Direk Coco kung gusto ko raw matuto. Noong time na iyon, nasa isip ko lang na kahit anong trabaho ang ibibigay sa akin ay gagawin ko lang, basta trabaho.
“Noong pandemic ay nakakatakot talaga e, di ba? Kasi siyempre, isa lang ang kahahantungan mo eh, posibleng mamatay ka kahit nasa bahay ka lang. Kaya kumbaga, adapt tayo, kilos… sabi nga nila ang Covid ay nandyan lang iyan. So, kung nandyan lang iyan, hindi naman puwede na nasa bahay lang tayo. Nagka-covid kasi ako, pero awa ng Diyos hindi siya yung sobrang hard hit. So, mahalaga yung work-out at ingatan talaga ang health. So, hopefully, very soon ay patapos na ito at back to normal na tayo.”
DIREK DARRYL YAP :”Hi sir, hindi ko ma-answer iyan kasi noong pandemic, hindi ako nawalan ng work. Kaya kapag mga ganyan yung tanong, na-aano ako, na baka mamaya sabihin mayabang ako. Kasi when pandemic started, nag-shoot ako ng PornStar, tapos every month ay may pelikula ako. So I really got my break during pandemic.”
Nabanggit pa ng kilalang direktor na noong pandemic ay work nang work ang kanyang ginawa.