WebClick Tracer

SPORTS

Aurelio De Leon, Philracom pinabaha karera, pinapaldo mga papremyo

Sadsad ang industriya ng karera noong 2020 sa kasagsagan ng pandemya (Coronaavirus-19), nasalto ang mga kaganapan ng Philippine Racing Commission (Philracom), kabilang ang mga regular stakes race.

Maging ang mga nagtatrabaho sa karerahan, sa kuwadra at pati mga horse howner ay butas ang mga bulsa dahil puro pakain lang sa mga kabayo.

Kaya sa pagbabalik ng bagong simula sa nakaraang taon , balik sa masiglang kabuhayan ang mga taga-industriya. Lalo’t nagdagdag ng mga aktibidad sa karerahan, lalo na ng mga stakes race.

Pinalaki pa ang mga pa premyo upang mas pagbutihin ng mga trainer, hinete at sota ang kanilang paghahanda sa pambato nilang pangkarerang kabayo.

Isang halimbawa ay ang Presidential Gold Cup noong Disyembre na pinanalunan ni Big Lagoon, hinamig ng nagmamay-ari sa kanya ang tumataginting na P6M premyo.

Umaasa ang bayang karerista na magpapatuloy ang magandang pinapakita ng Philracom sa liderato ni Chairman Aurelio ‘Reli’ De Leon ngayong 2023 lalo’t balik na ang lahat sa bagong normal kahit may pinatutupad pa rin naming health protocol.

Pero hindi na gaya nang kasing higpit ng dati. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on