Back to (new) normal!
Nakabalik na ang sigla sa larangan ng sports sa new normal kasunod ng pandemic.
Ang ibang basketball stars – Thirdy at Kiefer Ravena, Dwight Ramos, Ray-Ray Parks – sinamantala ang pagluwag para dumayo sa Japan B.League. Ang iba, nasa Korea at Taiwan.
May mga laro na, tinatao na rin – umapaw ang Philippine Arena sa Bocaue sa 54,589 patrons na nanood ng Game 7 win ng Ginebra kontra Bay Area sa PBA Commissioner’s Cup Finals noong Jan. 15.
May protocols pa ring ipinapatupad, pero hindi na kasing-higpit noong dati. Must pa rin ang face mask, may social distancing pero ang mga atleta, nakikipag-interact (selfie?) na sa fans.
Ang buong team – players at buong staff – at game officials, may antigen testing tuwing may laro.
Nakapag-tuneup games na rin kontra ibang koponan, ‘di tulad noong kasagsagan ng pandemic na sila-sila lang ang nag-eensayo.
Sa pagluwag ng travel restrictions, tulad ng mga ordinaryong taong napagkaitan ng gala ay natuloy na ng karamihan ang biyaheng matagal kinasabikan.
Halimbawa rito si Scottie Thompson, kasama ang asawang si Jinky ay biyaheng Japan pagkatapos ng championship run ng Gins. May kuha pa silang naglalambingan sa gitna misimo ng pamosong Shibuya Crossing sa Tokyo.
Sa sumunod na larawang post ni Iskati sa Instagram, may baby bump na si Jinky at ni-reveal na rin nilang 6 months pregnant si misis.
“Grace overflowing,” caption ng reigning MVP sa pic nilang dalawa, nakaluhod siya at hinahalikan ang tiyan ng misis. “I’m so excited to meet the person who is half me and half you. One of God’s greatest blessing is on its way.”
Pagapang pabalik sa dating normal, noong Nov. 2021 ay nagkaroon ng civil wedding sina Kevin Ferrer at MM Belarmino. Jan. 2022, natuloy ang kanilang church wedding.
May pa-okray na diskarte si Beau Belga noong Pasko na puwede nang humirit ng aginaldo: “Etneb-etneb muna anak” at “Pasensiya na inaanak, taba lang meron si Ninong Beau”.
Si Calvin Abueva na cook at namigay ng packed meals noong kasagsagan ng pandemic, nakapag-bisita Iglesia na kasama ang misis at kasama sila sa libo-libong naki-prusisyon sa Nazareno. Libre nang nakakapag-bike kasama ng tropa ang The Beast, kung saan-saan na sila nakarating – may kuha pa siya sa Ilocos Sur.
Si Paul Lee, may kuhang pa-golf-golf at kasama ang mga kamag-anak sa Riverside, California.
“Will cherish these moments forever,” caption ng Lethal Weapon sa isa nilang larawan.
Travel para mag-relax ang pangunahing diskarte.
(Vladi Eduarte)