DEDBOL ang isang dalagitang high school student matapos mahulog sa tricycle na overload umano ng mga estudyante sa bayan ng Buhi, Camarines Sur kamakalawa.
Kinilala ng Buhi Police Station (BPS) ang biktima na si Mary Joy Palado, 16, ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon, ayon sa BPS, papauwi na umano ang biktima mula sa eskwelahan at sumakay sa isang tricycle na punong-puno umano ng mga estudyante.
Habang bumabaybay ang tricycle sa Barangay San Jose Baybayon, biglang nahulog si Palado na umano’y nakasabit sa tricycle.
Agad na dinala ang biktima sa ospital ngunit dead-on-arrival na ito dahil tumama ang ulo at katawan sa semento. (Allan Bergonia)