WebClick Tracer

METRO

Pag-deport sa Japanese gang boss, tauhan iraratsada

Inihayag ni Justice Secretary Crispin Boying Remulla na iraratsada na ang deportasyon ng mga fugitive Japanese nationals kabilang ang lider ng robbery gang na si alyas Luffy, bago bumiyahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Japan sa Pebrero 8.

“There was a visit here by two officials from the Japanese embassy who relayed the request of the Japanese government to have these four people repatriated and deported from the Philippines.”

Aniya, ang mga kasong ito ay kinasasangkutan ng ilang personalidad na nagpapatakbo ng criminal enterprise sa Japan at pinaghihinalaang mastermind ng iligal na aktibidad.

Lumitaw din sa talaan ng korte na tatlo pa rin ang may mga pending cases sa mga lungsod ng Taguig, Pasay, Bacolod at lalawigan ng Maguindanao.

Sinabi ni Remulla na karamihan sa mga kaso ay may kinalaman sa karahasan laban sa kababaihan.

Gayunpaman, sinabi niya na ang mga kasong ito ay imbento o hindi tunay na mga kaso.

“But the end goal here is to deport them to Japan as soon as possible upon the request of the Japanese government.”

Binalaan din ni Remulla ang mga abogado na mawawalan sila ng lisensya kung magpapatuloy sila sa pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso.

“We will file cases even against the lawyers if they will insist on filing cases which are contrived”

Kaugnay nito, sinabi ni Remulla na hindi pa nakukumpirma ng DOJ kung sino si Luffy sa 17 Japanese nationals na nakadetine sa Bureau of Immigration. (Juliet de Loza-Cudia/Nancy Carvajal)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on