WebClick Tracer

NEWS

PBBM pinalarga cash ayuda sa mga pobreng pamilya

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ituloy-tuloy ang implementasyon ng Unconditional Cash Transfer Program para sa mga mahihirap na pamilyang matinding naapektuhan ng mataas na presyo ng mga bilihin.

Ayon sa pangulo, mahalagang mapalakas ang mga programang para sa mga pinakamahihirap na sektor ng lipunan upang matugunan ang pangangailangan ng mga ito.

“I call upon the department to continue to implement the Unconditional Cash Transfer Program to provide cash grants to poor households and individuals who do not benefit from the lower income tax rates but who are adversely affected by rising prices,” pahayag ng pangulo sa kanyang pagdalo sa ika-72 anibersaryo ng DSWD nitong Martes.

Bukod sa cash transfer program, tinukoy din ng pangulo ang tulong para sa mga senior citizen na dapat magtuloy-tuloy upang may magamit sa pang-araw araw na pangangailangan at pambili ng kanilang gamot.

“Let us also enhance the Social Pension Program for Indigent Senior Citizens as a means to augment their daily subsistence and medical needs,” dagdag ng pangulo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on