WebClick Tracer

SPORTS

Razzel Palisoc ibibida Vanguard Volley Hitters vs VNS Griffins

STANDINGS

TEAM W L

Imus 2 0

Iloilo 2 0

Cignal 1 0

Cotabato 1 0

Army 1 0

Vanguard 1 0

Navy 0 1

Nationa U 0 2

Sta. Rosa 0 2

VNS 0 1

Air Force 0 1

Mga laro ngayon (Paco Arena, Maynila)

3 pm – Army vs Cotabato

5:30 pm – VNS vs Vanguard

Puntirya ng baguhang Vanguard Volley Hitters sa pangunguna nina Razzel Palisoc at Vince Abrot na makisalo sa liderato ngayong gabi pagsagupa sa VNS (Volleyball Never Stops) Griffins sa 6th Spikers’ Turf 2023 Open Conference eliminations sa Paco Arena sa Maynila.

Niyanig ng Vanguards sa binyag sa liga ng Sports Vision ang defending champion National University Builders noong Jan. 25, 25-18, 18-25, 26-24, 13-25, 15-10, na rito’y nagsalpak ng 20 points si Palisoc at 15 si Abrot.

Kaya patok ang Vanguards (1-0) kontra VNS Griffins (0-1) sa sisimulang alas-5:30 ng hapong paluan na napapanood ng live sa sa One Sports, One Sports+, Cignal Play, at SMART Live Stream, sa asintang pangalawang sunod na panalo.

Olats ang VNS sa Province of Cotabato Spikers sa straight sets noong Biyernes.

Magtutuos din sa alas-3:00 ng hapon ang Army (1-0) at Cotabato (1-0).

“Laruin lang nila yung laro nila kasi kita namin bata ‘yung kalaban eh so kapag binigyan talaga ng pagkakataon yan, agresibo yan talagang dadalihin tayo niyan,” sey ni Vanguard coach Edjet Mabbayad

“Advantage talaga na may beterano sa team kasi kahit anong mangyari malaking tulong sa bawat isa sa amin lalo na kapag crucial.” (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on