
Pasabog talaga ang pagbabalik-telebisyon ng King of Talk sa newest GMA offering na “Fast Talk with Boy Abunda.”
Bawat episode niya ay pinag-uusapan at kontrobersyal gaya ng tsikahan niya kina Alden Richards, Marian Rivera, Bea Alonzo, Paolo Contis, Dina Bonnevie atbp.
Say ng netizens, “I love the first episode. Marian Rivera agad-agad! Basta showbiz news alam na ‘pag si Tito Boy yarn tama yan! Walang fake news na hatid.”
Talagang star-studded ang bawat hapon ng mga Kapuso kasama ang “Fast Talk with Boy Abunda” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05-4:25 p.m. sa GMA-7. Sabay rin itong napapanood sa Kapuso Stream at may simulcast pa sa Super Radyo dzBB!
Lexi, Elijah, Hailey kabugan sa ‘Underage’
Minahal agad ng viewers ang bagong GMA Afternoon Prime series na “Underage.”
Pinagbibidahan ito ng Sparkle stars na sina Lexi Gonzales bilang Celine, Elijah Alejo bilang Chynna, at Hailey Mendes bilang Carrie. Kabugan ang tatlo pagdating sa pag-arte.
Humakot agad ito ng positive reviews Komento ng ilan sa Facebook page ng GMA Drama, “Grabe ang galing umarte ng mga bida! This will definitely be an eye-opener regarding the toxicity of social media. May bago na akong magiging paboritong palabas!”
Subaybayan ang kwento ng Serrano sisters sa “Underage” tuwing 4:25PM pagkatapos ng “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA-7.
Sofia, Allen solb ang pakilig

Good vibes at kilig ang hatid ng “LUV IS: Caught In His Arms” sa mga Kapuso gabi-gabi!
Pinagbibidahan ito ng new-gen leading lady na si Sofia Pablo bilang Florence at ang new-gen leading man na si Allen Ansay as Nero. Solb ang kanilang pakilig sa serye.
Tampok din ang Sparkada boys na sina Michael Sager bilang Owen, Vince Maristela bilang Tristan, Raheel Bhyria bilang Aldus, at Sean Lucas bilang Troy.
Puring-puri ng viewers at netizens ang show, “Ganda agad premiere pa lang! Pasasayahin na naman ako every night ng GMA! Para akong nanonood ng movie dahil sa cinematography!”
Sa episode ng serye, unti-unti nang lumalambot ang puso ni Nero dahil sa pagiging bubbly at charming ni Florence. Eh paano naman ang ibang Ferell boys? Matatanggap na rin ba nila bilang parte ng kanilang buhay ang chef na si Florence?
Tutukan ang “LUV IS: Caught In His Arms” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50PM sa GMA Telebabad.